Pages

Monday, July 11, 2016

Ang Buod Ng Ibong Adarna

Sa isang  kaharian ng na ang tawag ay Berbanya, may hari na nagnga-ngalang Don Fernando,  at ang kanyang asawa nagnga-ngalang Donya Valeriana. Mayroon silang tatlong anak na lalaki. Ang pinaka panganay ay si Don Pedro,  ikalawa ay si Don Diego at ang pinaka bunso ay si Don Juan.

Nang payapang natulog si Don Fernando nagkaroon siya ng isang masamang panaginip at bigla nalamang syang nagkasakit Ang kanyang panaginip ay tungkol kay Don Juan na sya daw ay inihagis sa isang balong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan, ipinatawag lahat ng mga manggagamot sa Barbenya gnunit ni isa ay walang naka gamut sa hari. Hangang isang ermitanyo ang nagsabi na ang pitong awit lamang ng ibong adarna ang tangin makakapag pagaling sa hari. At matatagpuan lamang sa ang Ibong Adarna sa puno ng Piedras Platas sa bundok ng tabor.

Inutusan ng haring Fernando ang kanyang dalawang anak na si Don Pedro at Don Diego para kunin ang ibong adarna ngunit sila ay nabigo. Dahil sa pasod sila ay nakatulog sa isang malaking puno na may mga kumikislap na mga dahon na tilay mga dyamante. Kapag ang Ibong Adarna ay dumapo sa punong iyon ay ibon ay umaawit at nag-iiwan ng ipot pagkatapos umawit. At nang maiputan ang dalawang prrinsipe sila ay naging bato.

Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi na bumalik ang dalawang prinsipe, dahil dito natakot si Don Fernando na isugo ang kanyang bunsong anak na si Don Juan dahil baka magkatotoo ang kanyang panaginip tungkol sa kanyang anak na sa Don Juan. Ngunit nagpumilit si Don Juan na hanapin ang Ibong Adarna.

Nang si Don Juan ay naglalakbay para hanapin ang ibong adarna, nakita nya ang isang ketongin na humingi sa kanya ng kaunting pagkain. Dahil maganda ang kalooban ng prinsipe, ibinigay nya ang kanyang kahuli-hulihang baong tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan sya ng matandang ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabi nito na mayroong isang maliit na bahay malapit sa bundok kung saan nakatira ang isang ermitanyo na magbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna. At ibinilin din ng matanda na huwag syang hihimlay sa isang puno na kaiga-igaya ang anyo.

At pumunta nga ang prinsipe sa bahay ng ermitanyo na tinuro ng ketongin. Pinatuloy naman siya ng matandang ermitanyo at inalok ng bagkain. Gulat na gulat ang prinsipe ng Makita ang inaalok na tinpay ng matandang ermitanyo dahil ang tinapay na binigay niya nung matandang ketongin ay iisa. Kaya inisip nya na ang matandang ketongin at ang matandang ermitanyo ay iisa.


Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha, at malagintong sintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang mahiwagang Ibong Adarna, ay kailangan masugatan nya ang kanyang katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat nito upang hindi sya makatulog. Kailangan din nyang umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong besis. At kapag mahuli na nya ang Ibong Adarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng matandang ermintanyo.

Naging matagumpay ang prinsipe na makita at mahuli ang mahiwagang Ibong Adarna ayon sa bilin ng matanda. Dinala nya ang Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay sa isang hawla ang ibon. Kanya ring nailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s autos ng matandang ermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan. Sumang-ayon naman si Don Diego sa masamang binabalak ng kanyang kapatid. Sinaktan nila si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Kinuha nina Pedro at Diego ang Ibong Adarna at dinala ito sa hari. Gayunpaman, pagdating nila sa hari hindi humuni at umawit ang Ibong Adarna.

Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi sya halos makagalaw at makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid. Isang matanda ang tumulong sa kanya at hinilot sya hanggang ito’y gumaling. Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng balahibo ang ibong adarna at ito’y biglang umawit. Ang kanyang pitong mga awit ay patungkol sa ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan, na doon din gumaling ang hari.

Nais ni Don Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay Don Juan, nguni't paglao'y nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-usap na rin ni Don Juan. Ngunit isang gabi na nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan na pinakawalan nina Pedro at Diego ang Ibon at lumipad ang ibon papalayo sa kaharian ng Berbanya. Ipinasya ni Juan na umalis at magpunta sa bundok ng Armenia dahil sa takot na sya ang pagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang kapatid. Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenia. 

Sa kanilang paglalakbay pabalik, may nakita silang isang balon, sila'y bumaba doon ngunit tanging si Juan lang ang nakaabot sa pondo ng balon at sa ibaba nito nakita nya ang isang napakagandang ginintuang palasyo. Doon nakita din niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ng serpente na may pitong ulo at higante. Napatay ni Juan ang higante at ang serpente. Dahil doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon, nguni't naiwan ni Leonora ang kanyang singsing sa isang mesa. Dagling binalikan ni Juan ang singsing, nguni't sampung dipa pa lamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.
Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay humingi ng pitong taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay nakaligtas na rin mula sa balon sa tulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito. Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya, nakatulog sya sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong Adarna. Nguni't sya ay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. 

Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya na hanapin ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't hindi nya ito matagpuan hanggang maglakbay sya sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 500 sunbalit hindi rin alam ng ermitanyong ito ang Delos Cristal, kaya ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800, sa tulong ng isang agila na sinakyan ni Juan, siya'y nakarating sa kaharian. Nguni't ang bilin ng agila, sya'y dapat magtago kung ang tatlong prinsesa ay maliligo tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria at pagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng isang oras ay nagpakita na rin si Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa. Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya ang kanyang gagawin kapag sya ay makita ni Haring Salermo.

Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. 

Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya. Nang malaman ni Haring Salermo na matagal ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si Donya Maria. Ang sumpa ay, sya ay makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.

Dagling umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa kaharian ng Berbanya pansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Nguni't ng malaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora at Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan ang kanilang nakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalng si Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.

Pagkaraan nito umuwi sila Don Juan at Donya Maria sa Delos Cristal at sila ang tinanghal na Hari at Reyna sa kaharian. Pinamunuan nila ang kaharian na makatao, makatarungan at makaDiyos na pamumuno. Dahil dito sila'y minahal ng taong-bayan.





Salamat sa pagbabasa :)


No copyright infringement intended courtesy post to the owner